Dati daw kasi, sabi ni lola… pwede ka namang lumundag patungo sa kabilang bakod ng Kapitbahay mo eh.. Ang kaso eto, sa dinami-dami ng gagawin mo, bakit yung ayaw pa ng Kapitbahay mo? yan tuloy, no trespasing na and sabi ni Boss! Lagot!!!!! Si kapitbahay nga pala, Boss tawag ko dun, iba siya sa lahat ng makikilala mo! wag mo Siya itulad sa kung sinu-sino jan. Siya lang naman ngpatayo ng mga bahay na tinutuluyan mo…..(gulat siya oh). Ang ayaw kasi sa lahat ng Boss, eh yung kabalbalan mo, ang masama pa nyan, kahit saan, may CCTV Siya kaya huli ka lagi sa akto. di mo yun alam no? Kaya simula noong gumawa na kayo ng kabalbalan, bawal na kayong pumasok sa Kanila kasi BAD ka na sa paningin ni Boss at ayaw Niya ng BAd, ok?. (ikaw naman kasi eh) Tapos, lumipas na yung mahabang panahon. yung bahay ni Boss, Hala!!! ang taas na ng bakod! tapos puro baging na ng kung anu-anong ligaw na damo ang tumabon doon at and dami pa kamo ng basura kaya hayun, ang hirap nang mahagilap.Malimit na ang nakakatungtong doon unless may kakilala ka, yung Anak Niya… Siya nga pala, yung Anak ni Boss? Ay! mabait kaya Yun! Actually, Siya nga gumawa ng tunnel papunta sa looban Nila. hahah kulit no? pero!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Siya lang nakakaalam kung nasaan yung secret tunnel . So, twing may papasok sa loob nila dapat yung Anak ang tawagin mo! At pag namukaan ni Boss, patay na! kaya lagi kang dumikit sa Anak! tudareskyu kagad Yun!!!!! Kaya ayun, abswelto lagi! Iba!! Ligtas na sa pagpapalayas! ***TIP: dapat dikit kayo nung Anak para makaligtas ka kasi kahit kelan pwedeng gerahin ng mga epal yung sa labas, yung bahay niyong mga renters lang… pag umatake panaman daw yun, alang sinasanto, ika nga eh, “The epal comes only to kill, steal and destroy!!!!!” Bwahahahaha. eh balita ko nakabanggaan dati ni Boss yung mga epal na yun eh. Ayun! Pero in fairness, takot daw yung mga epal kay Boss kaya pag andun ka sa Bahay ni Boss, walang palag yung mga epal. Wag mo nang itanong kung pano at kelan pa, kasi may mga bagay na di mo na kailangang malaman. Sa totoo lang pwede ka namang tumira sa Kanila eh, kila Boss…. kung gugustuhin mo lang. Kaso dapat kilala ka nung Anak, kasi hindi basta-basta nakakapasok dun. Una, dapat tanggap mo na kahit anong pagawa sayo nung Anak, gagawin mo, tipong surrender your life…(pero sabi naman Niya, sasamahan ka naman daw Niya tapos tutulungan ka naman kapag gumagawa ka na….. di ka Nun iiwan). Tapos, dapat love mo yung Anak ni Boss (love ka kasi Nila kahit di mo alam), at isa pa, dapat magsorry ka sa kabalbalan mo. Pramis! mabait yung Anak Niya papatawarin ka naman Nila eh basta dapat totoong ngsosorry ka ha! Temporary lang naman kasi yung paupahan sa labas at kasama doon yung tinitirahan mo.., sa huli, kung di ka sa Bossing, dun ka sa lungga ng mga epal babagsak…… So, dalawa lang talaga babagsakan mo sa maniwala ka o sa hindi.. Pangit dun sa epal!.. Nakakapagod pala mgkwento! hahahaha, Uy! may sasabihin nga pala ako sayo (oo ikaw na ngbabasa nito). Alam mo bang love na love ka ni Boss? kaya kahit na nagagalit Siya sa ginagawa mo, noong minsan……. medyo matagal na ata yun eh….. oo matagal na nga!!! Naparusahan pa yung Anak Niya para lang maipagtanggol ka Niya sa mga kabulastugan mo! Pinagtakpan ka Niya! Kaya imbis na ikaw yung nasaktan ng todo, Siya nalang daw… ang sweet no?? Kaya ikaw, magthank you ka naman ha! tamo, sino pa makakagawa nung kagaya noong ginawa nung Anak Niya para sayo, partida pa yan…. di mo pa siya kilala noon!!!!!!!!!! Pag nakapasok ka na dun sa Bahay Nila, di ka na daw iiyak. Pramis nung Anak yun eh! tsaka Siya pa magpapatahan sayo kapag naabutan kang ngumangawa…. naksss naman!!!!! Hayyyy….. ang sarap isiping may naghihintay sayong bagay na di mo ineexpect na para sa’yo pala.. tapos tanggap ka pa kahit sino ka! Sana makilala mo din si Boss at yung Anak Niya….. pag narinig mo yung pagalan nun, kilala mo na Siya… xmpre!!! hahahaahah! …. sana…….OOOPpppsss!! Teka, parang kumakatok na ata yung Anak ni Boss sa pinto mo! Papasuki mo ha, tapos, makipagkilala ka na! Bago pa ako matapos, magbababye na ko…. hahahaha Paalam!!!!!! :B
-
narcissisem reblogged this from renzruiz
-
narcissisem liked this
-
renzruiz posted this