Text
Ihip
alinsabay ng mahinahong bulong ng hangin sa bawat dahong umiindayog sa ritmo ng buhay… ay ang pagsigaw ng isang pusong nagpupumiglas sa ligayang di mapapawi ni katiting… lundag na dinudulot ng pag-ibig Mong umaawit, sa bawat himig, o anong kapayapaan ang saki’y dumadampi.. lumilipad ang mga ibon mula sa kanilang mumunting himbingan.. lipad patungo sa palad Mo, Maylalang.. nawa’y maipabatid ng bawat nitong huni, ang pasasalamat ng isang nilikhang Iyong itinatangi..